Huhugoat courtesy of Words Anonymous

I actually did intentionally avoid commenting anything because [refer to the picture below]. This may be not current to some because it has been circulating feeds for quite some time now but you may want to watch again. Because again [refer to the picture below]. ANG SARAP MAGMURA PAGKATAPOS MANUOD OKAY (what happened to not commenting. kthanksbye)

Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa ‘Yo
Juan Miguel Severo

Pangako ‘yan, at totoo.
Hindi ko alam kung magiging ga’no kahaba
kung kasya ba sa isang pyesa, ilang pahina,
ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito
kaya posibleng hindi ko agad makabisado.

Pero pangako ‘yan…
Ito na,
ang huling tula
na isusulat ko
para sa ‘yo.

Itaga mo ‘to sa bato
abutin man ako ng umaga dito
hindi ko ipipikit ang mga matang ito.
uubusin ko ang lahat ng salita
na posibleng tugma
ng pangalan mo
o ng anumang tawag ko sa’yo,
(mahal, sinta, irog, pangga, babe, beh,
bae, asawa ko, mine?
wifey, bae,
kulet, kapal, k*pal, walangya,
p*ki, p*king *na ka) ano pa ba?
Wala akong pakialam
kung abutin ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang,
dito sa loob ko,
ang mga salitang ito.

Kaya pangako…
Ito na,
ang huling tula
na isusulat ko
para sa ‘yo.

Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira
hinidi mo nga pinansin,
ang mga agiw sa dingding.
Hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating
sa iyong pagbisita.
Pero hindi mo rin man lang din tinignan
ang mga libro
na nasa tabi ng kama ko,
natutulog din.
At tangi ko noong kapiling.

Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong niyakap mo ako
noong sabihin ko sa’yong,
“Mahal Kita…”
Sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo
sabay sabi ng:
“Mahalaga ka…”
At ako naman ‘tong si tanga,
tuwang-tuwa,
dahil hindi pa nalilinawan
na ayaw ko
na maging mahalaga,
ayaw ko
na maging mahalaga…

Hindi ako antigong salamin
na matagal mo nang pag-aari,
na tinitignan mo lang
para ipaalala sa sarili mo na
maganda ka.

Ayaw ko
na maging mahalaga.

Hindi ako telepono mong
dududukutin lang sa bulsa,
kapag kailangan mo ng solusyon
sa kawalan mo ng koneksyon,
sa mundo mong masyado nang malawak
para bigyang atensyon ka pa.

Ayaw ko
na maging mahalaga.

Hindi ako kwintas na isusuot mo lang
sa piling-piling mga okasyon,
kapag mayroong mga sitwasyon
na pakiramdam mo ay kulang ka pa.
Hindi ako para ibalik
sa loob ng isang kahon
kapag matutulog ka na sa gabi
sa takot na masakal ka sa yakap ko
kapag mahimbing ka na.
O ibalik sa loob ng kahon
at itabi sa sulok ng isang aparador
sa takot na manakaw ako ng iba.

Ayaw ko
na maging mahalaga..

Ang gusto ko…
ay mahalin.

Ang kailangan ko…
ay mahalin.

Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng kape mo sa umaga,
tanggap ang tamis at pait,
kailangan para sa init
pero hindi isinasantabi
dahil lang nanlamig na.

Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng sarili mong opisina.
Kabisado kung para saan ang ano
kabisado kung nasaan nakatago ang alin.
Kabisado ang mga itinatago kong patalim,
silbi, dumi, lihim..

patalim…
silbi…
dumi…
lihim!

Kailangan ko na mahalin mo ako
gaya ng unan mo sa gabi.
Niyayakap sa ginaw,
sinasandalan kahit na mainit,
binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip.

Ayaw ko
na maging mahalaga…

Ang kailangan ko
ay mahalin…

At nagsulat ako noon
hanggang sa mahalin mo..

Kaya patawad
pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko
ang lahat ng salita,
na posibleng tugma
ng pangalan mo.

Patawad.
Pero magsusulat ako,
para patawarin mo.

Dahil minsan
may nakapagsabi sa akin
na ang hindi raw marunong magpatawad,
ay hindi makapagsusulat.

Kaya mahal
sa pagkakataong ito,
sa huling pagkakataon
na magsusulat ako ng tula
para sa ‘yo,
gumawa tayo ng kasunduan…

Patatawarin kita,
pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako
sa hindi ko pagtahan,
at patatawarin kita,
sa hindi mo pagluha.

Patawarin mo ako
sa hindi ko pananahimik,
at patatawarin kita,
sa hindi mo pagsasalita.

Patawarin mo ako
sa hindi ko pag-alis,
at patatawarin kita,
sa hindi mo pananatili.

Patawarin mo ako
sa hindi ko sa ‘yo paglimot,
at patatawarin kita,
sa hindi mo sa akin pagpili, mahal.

Gumawa tayo ng kasunduan:
Patatawarin kita,
pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako
sa hindi ko pagbitiw
at patatawarin kita,
sa hindi mo pagkapit.

Patawarin mo ako
sa hindi ko paglayo
at patatawarin kita,
sa hindi mo paglapit.

Patawarin mo ako
sa hindi ko pagsuko,
at patatawarin kita,
sa hindi mo pagsugal.

At patawarin mo ako
sa hindi ko pagkamuhi sa ‘yo,
at patatawarin kita,
sa hindi mo sa akin pagmamahal, mahal.

Gumawa tayo ng kasunduan:
Patatawarin kita,
pero patatawarin mo rin ako.

Para sa wakas
ay matapos ko na itong tula,
na masyado nang matagal nang nakatira dito.

At patawad…
kung magiging masyadong mahaba,
at maraming masyadong boladas.

Pero pangako:
huli na ‘to…
huli na ‘to…
huli na ‘to…

Magsisimula ako uli sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako
at tinanong kung saan ako nakatira…

Magsisimula ako uli sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako…

Magsisimula ako uli sa umpisa…

Magsisimula ako uli…

Magsisimula ako…

Ito na
ang huling tula
na isusulat ko
para sa ‘yo…

Mali!!!

Ito na
ang huling tula
na isinulat ko
tungkol sa ‘yo…

Tang ina mo!
Tapos na ako…

sad-goat3

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Jonver

Jonver

He drinks coffee day in, day out. Iced Americano is his poison of choice, anytime anywhere.

He works in digital advertising but this blog is not about his job. Jonver overshares about his travels, boy dreams, and existentiality on his little space in the world wide web. He finds drunk tweeting amusing - all the more because he's funnier that way.

He likes to believe that his name is so unique he feels confident to ask you to search his name instead of giving his social media handles.
Jonver

Tell me what you think!